
I plan to get the pink one and spend the cash prize on school supplies (hmmm...).
The Animation Council of the Philippines, Inc. (ACPI), is launching it's first flash scriptwriting tilt.
1. Open to all Filipino citizens, regardless of age.
2. Entry must be good for a 5 minute story.
3. Themes must explore any or a combination of the ff: filipino freedom from colonization, filipino cultural diversity, and/or filipino cultural diversity.
Mga Kasamang Manunulat,
Nais namin kayong imbitahan na mag-ambag ng isang kwentong fantastiko na tumatalakay sa mga kontemporaryong isyung panlipunang umiinog sa ating bansa.
Ang kwentong fantastiko ay mga maiikling kwentong tumatalakay gamit ang mga elemento ng kontemporaryong panahon, fantasya o kathang-isip, at fantastikong kabig (twist) sa ending. Dahil sa maigting na ugnay ng sining at lipunan sa ating bansa, nais langkapan ng elemento ng politikal (komentaryong panlipunan at transformatibong pangangailangan) ang kwentong fantastiko.
Layunin ng koleksyong ito na maitanghal ang mapagpalayang diskursong politikal ng kontemporaryong panahon sa pamamagitan ng eksplorasyon ng fantastikong pagkatha. Sa pamamagitan ng koleksyon na ito, inaasahan ang mga kontributor na magsiwalat ng mga partikular na usaping maaaring maging paraan sa higit na pag-unawa ng ating kasalukuyang lipunan, lalong higit, ang pagkritika sa mga pangyayaring politikal na humuhubog sa ating kamalayan bilang mga indibiduwal, alagad ng sining, mamamayan at iba pa. Dito rin titingnan ang maigting na ugnayan ng konsepto ng fantasya at realidad na kung tutuusi’y mayaman na materyal sa pagkatha ng maikling kwento.
Narito ang inisyal na balangkas o gabay sa pagkatha ng kwentong fantastiko:
Kalakip ng elektronikong liham na ito ang ilang halimbawa ng mga kwentong maaaring ituring na fantastiko*:
1. Wolfgang Hildesheimer A World Ends*
2. Deogracias Rosario Kung Ipaghiganti ang Puso*
Dagdag na referensya rin ang mga kwentong Filipino na matatagpuan sa mga antolohiya:
1. Jorge Luis Borges August 25, 1983 (Black Water: The Anthology of Fantastic Literature)
2. Horacio Quiroga The Feather Pillow (Black Water: The Anthology of Fantastic Literature)
3. Virgilio Pinera Meat (The Oxford Book of Latin American Short Stories)
Narito ang ating skedyul:
Ipadala ang inyong kontribusyon sa tatlong sumusunod na email address:
NAIS NAMING KLARUHIN NA ANG KALAKARAN NG PUBLISHING AY NAGTATAKDA SA PRESS BILANG FINAL NA ARBITER NG PAGPILI NG SELEKSYON. KAYA KAHIT NAPILI ITO NG MGA EDITOR, DADAAN PA RIN SA PRESS ANG FINAL NA SCREENING NG LINE-UP NG KWENTO.
Kung mayroon kayong mga katanungan, huwag mag-atubiling ipaalam ito sa amin. Maraming salamat.
Reposted from Filipino Writer