SponsoredTweets referral badge

Sunday, March 22, 2009

Ninoy Aquino Parks and Wildlife

Ninoy Aquino Parks and Wildlife



Lokasyon: Quezon Avenue, malapit sa Quezon City Memorial Circle
Halaga: P8 ang matanda at P6 ang bata
Iskedyul ng pagbubukas:
Dapat dalhin: payong at insect repellant

Ang Ninoy Aquino Parks and Wildlife ay maituturing na isang sanktuwaryo sa gitna ng syudad. Malilim dito, higit na presko ang hangin at makakarinig ka ng huni ng mga ibon.

Mainam ang lugar na ito sa mga gustong mamasyal sa zoo pero masyadong malayo ang Manila Zoo sa Maynila at namamahalan naman sa Avilon Zoo .May dalawang lugar na pinaglalagakan ng mga hayop. Ang isa ay nasa bandang bungad lamang, pagkapasok sa gate sa may Quezon Ave. Karamihan sa mga hayop ay iba't ibang klase ng ibon. Ang ikalawa naman, sa bandang loob, ay isang maliit na lugar na may sariling gate at bakuran. Dito sa ikalawa, mas maraming hayop ang mayroon at narito din ang upisina ng tagapag-alaga ng mga hayop.

Pagkatapos bisitahin ang mga hayop, pwede ring magpiknik dito ang buong pamilya. Malawak ang lugar para makapaglatag ng banig at makapagrelaks. Pumunta lang ng maaga lalo kung weekends dahil dagsa ang tao. Karaniwang nagtitipon ang mga tao sa lugar malapit sa lagoon.

Kung magtatagal din dito ng lampas sa alas-dose ng tanghali, tiyaking magdala ng baon dahil bihira ang kainan sa loob, bagamat may mga panaka-nakang naglalako ng tsiterya at kung anu-ano pa.

Nung nagpunta kami dito ay alas-dos ng hapon, medyo kainitan pa ng araw. Pero ayos lang iyon dahil malilim naman dahil maraming puno sa paligid.

Paano makarating dito: kung galing ng EDSA, sumakay ng bus na dadaan ng Quezon Avenue. Kung galing ng Quiapo, sumakay ng bus na byaheng Fairview.

No comments:

Post a Comment

para sa naglilimayon na isip