SponsoredTweets referral badge

Friday, March 20, 2009

La Mesa Eco Park



La Mesa Eco Park

Lokasyon: Fairview, Quezon City
Iskedyul ng Pagbubukas: 8am - 5pm
Halaga: P50 sa matatanda, may discount ang mga residente ng lungsod ng Quezon
P80 sa swimming pool
Dapat dalhin: insect repellant kung sa park, at "proper swimming attire" kung magsi-swimming.


Ilang beses na rin kaming nakapunta dito. Tunay namang isang kakaibang karanasan ang pagpunta dito sa La Mesa Eco Park dahil nasa loob lamang ito ng syudad.Sa gitna ng mga polusyon, ingay at bilis ng buhay sa syudad, para bang nasa ibang mundo ka pagpasok mo sa Eco Park.

Popular itong puntahan ng mga mahilig magpiknik. Hindi rin naman kasi mahirap ang magdala ng mga kagamitang pangpiknik dahil mayroong electric car na pwedeng sakyan. Kung gusto niyo namang talagang mag-nature trip, isakay niyo lang ang mga gamit niyo doon kasama ang isang bantay at lakarin niyo na ang ilang metro mula sa gate papasok sa picnic area. Magandang maaga kayo pumunta dahil mabilis mapuno ang picnic area. Ibig sabihin, mabilis maubos ang mga libreng lamesa na gawa sa semento. Kung ganito ang mangyayari, pwede kayong magrenta ng plastik na lamesa at upuan sa halagang. Pero kung tipid talaga, magbitbit na lang kayo ng banig at ilatag na lang ito.

Mayroon ding mga ihiwan dito na maaaring gamitin, kaya pwedeng magbaon na lang, o manghuli muna ng isda (P20 ang renta sa pamingwit kung wala kayong sarili, P80 ang kilo ng isda na mahuhuli) ng mga lulutuin kaya ng isda, barbekyu at gulay gaya ng talong. Mainam din na maagap kayong magluto dahil madalas ding punuan ang mga ito. Huwag kayong mag-alala, pwedeng pumila para makapagluto kayo dito, piliin niyo lang iyong kaunti lang ang iihawin.

Meron ding mga gripo na pwedeng paghugasan ng kamay kaya GO! lang ang pagkakamay. Magdala lang ng sabong panghugas.

Kung hindi ka naman mahilig magpicnic, may ilan ding kainan na pwedeng bilhan ng murang pagkain.

May ilang playground din para sa mga tsikiting. Mayroon ding lugar na pwedeng pagrentahan ng bike, pero sa loob lang ng rentahan pwedeng gamitin ang bike.


Bukod sa picnic area, may fitness trail at may swimming pool din dito. Pwede ring mag-boating sa labas ng picnic area.

Sa swimming pool, may dagdag na bayad ito na P80, pero may discount pa rin para sa mga residente ng lungsod ng Quezon. Medyo may kasikipan ang pool para sa matatanda, lalo;t marami laging tao dito. May hiwalay na pool para sa mga bata. Bawal and magpasok ng pagkain dito sa loob. Kung kaya, kung balak ninyong magswimming pagkatapos magpiknik, tiyakin na may-isang maiiwan sa mga gamit niyo sa labas ng swimming pool area.


Paano makakapunta dito: Sumakay ng bus na byaheng Fairview, bumaba sa East Fairview Subd, at sumakay ng traysikel papasok ng Eco Park. Kung may sariling sasakyan, abangan ang billboard na nagpapaskil ng direksyon ng EcoPark. Sundan ito.

No comments:

Post a Comment

para sa naglilimayon na isip