SponsoredTweets referral badge

Thursday, March 19, 2009

The Children's Library



Lokasyon: Robinson's Place Novaliches
Halaga: libre
Iskedyul ng pagbukas: Lunes hanggang Sabado, 1pm hanggang 7pm
Dapat dalhin:ID ng bata o matanda.

Ang The Children's Library ay isang proyekto ng Gokongwei. Libre nila itong pinatatakbo at nabubuhay sa pamamagitan ng mga donasyon, isponsor at mga boluntaryo. Malamang, bahagi ito ng kawanggawa ng mga Gokongwei na may-ari ng mga mall ng Robinson's at iba pa.

Marami itong mga aktibidad na inihahanda. Araw-araw ay iba. Noong nagpunta kami, inabutan namin ang isang demo ng educational CD-ROM at isang puppet show. Iba-iba din ang magagawa dito. May ilang kompyuter na nakahandang gamitin ng mga bata para mag-laro ng mga educational CD-ROM. Kailangan mo lang magpakita ng ID sa isang kuya/ate at ipipila niya ang pangalan mo. Mayroon ding radyo na para sa mga audio books. Mayroon ding malaking telebisyon para sa mga aktibidad nila.

Marami-rami din ang mga libro. Bagamat kalakhan sa mga libro ay para sa mga bata, mayroon ding mga libro na para sa mga guro, magulang at iba pa.Hindi na rin kailangang pumila pa para sa mga librong gusto mong basahin dahil nakalabas lang ang mga ito sa mga estante, parang library sa eskwelahan ko noon. Mayroon ding mga komiks at mga pambatang magasin.

Maraming upuan sa loob. Hindi pa kami pumunta rito na talagang punum-puno at wala ka nang maupuan. May mga beanbag din na patok na patok sa mga bata.

Ang siste lang, dahil sa dami ng aktibidad at mga batang nasa loob, hindi na tahimik ang silid-aklatang ito. Hindi rin aktibo ang mga boluntaryo sa pagsaway sa mga maiingay kahit pa nagkalat ang mga paskil tungkol sa tamang gawi sa loob ng aklatan.

Pero maliban dito, wala na akong reklamo. Sayang nga lang at hindi maaaring ilabas ang mga libro at hindi rin sila nagpapa-photocopy ng mga ito.

No comments:

Post a Comment

para sa naglilimayon na isip