SponsoredTweets referral badge

Friday, November 25, 2011

It's Complicated!



Itago niyo na lamang ako sa pangalang Gossip Girl, hindi dahil kasing ganda ko si Blake Lively o si Blair Waldorf, kundi dahil siguradong itatatwa ako ng aking kaibigan sa pagkakanulo ko sa kanilang kwento alang-alang sa premyo.

Naisip ko din namang sariling kwento ko ang ilagay ko dahil hindi naman ako kapos sa ganitong klase din ng mga kwento bilang tao.

Pero sa tingin ko'y mas mag-eenjoy kayo dito.



Nagsimula ang lahat sa isang nilalanggam-sa-tamis na kasalan. 


Kung saan imbitado ang mga pamilya, ilang katrabaho at ang pinakamalalapit na kaibigan, kabilang Si Ginoong X.





Magkaututang-dila si Ginoong X at ang bride na tawagin  nating Mrs. Y. Matagal na rin silang hindi nagkikita kaya naman chika-to-the-max ang dalawa.


Subalit dahil si Ginoong X ay isang tao na laging paroo’t parito dahil sa trabaho, kailangan na rin niya umalis nang maagang-maaga kinabukasan. At ito ang isang salik na lalong nagpaigting sa kanyang pagnanais na chumika at bigyan ng kasiyahan si Mrs. Y sa pinakamasayang araw sa buhay nito.


Kinagabihan, bago pumutok ang araw sa silangan, dahan-dahan nagtungo si Ginoong X sa kwarto ng bagong kasal.





Bago siya umalis, naisip niyang surpresahin ang matalik na kaibigan at personal na magpaalam.


(At in fairness kay Ginoong X, dalisay talaga ang kanyang hangarin na magpaalam sa kaibigan.)


Nakikini-kinita nito na sobrang matutuwa ang kanyang kaibigan dahil sa pagiging *thoughtful* niya.


Bigla niyang hinawi ang kurtina na nakabalot sa kama ng mag-asawa.













At nagulat sa tumambad sa kanya......











Hindi.


Hindi po ganyan ang nakita niya in a perverted version.










Pramis.







Napaupo ang mag-asawa mula sa pagkakahiga at doon *naliwanagan* si Ginoong X


kung gaano ka-estupido ang kanyang ideya,










gaano man ito ka-*thoughtful*.






Inaiimagine ko na lang ang itsura niya habang natitila-tilapid ang dila at hindi makatingin nang diretso sa kanyang kaibigan na nagtatago sa likuran ng kanyang asawa.

(Hindi ko alam kung sino ang higit na traumatized sa nangyari. Hahaha! )


Pero syempre, dahil nandun na rin lang,  lakas-loob na sinabi ni Ginoong X ang kanyang pakay. Ang pagpapaalam sa mahal na kaibigan at pag-asa na muli silang magkita sa malapit na hinaharap.





Sabay talikod.






Taon muli ang bibilangin bago nagharap ang dalawa at nakatingin sa mata ng isa't isa.



Sigurado ako, isang malaking life lesson ang natutunan ni Ginoong X dito.



At alam niyo na rin kung ano iyon.








Kaya naman sakaling makita nila ang isinulat kong ito....



Friendships,



PEACE TAYO!



1 comment:

  1. kung natawa kayo, kahit konti lang, paki-share at pakitweet na rin po ito:

    @bloomfieldsband #itscomplicated when someone walks in on you in a very compromising situation! Read all about it lagalagnaengkantada.blogspot.com/2011/11/its-co…

    ReplyDelete

para sa naglilimayon na isip